Advertisers
Kinabibiliban ang isang lalaking sa kaniyang talentong gumuhit gamit ang kanyang paa na taga Laguna.
Ayon sa ulat, sinilang ng walang kamay si Bermin Rigor pero bata pa lang mahilig na itong gumuhit.
Mas nahasa ang talento ni Rigor nitong pandemiya dahil gusto niyang makatulong sa kaniyang amang construction worker.
Bawat obrang kaniyang ginagawa, tumatagal ng isang araw bago matapos.
Minsan naman, tatlong araw hanggang isang linggo.