Advertisers

Advertisers

‘BATO’ TAKBONG PRESIDENTE! Papalitan ni Sara bago Nob. 15?

0 260

Advertisers

NAGHAIN si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ng kanyang certificate of candidacy sa pagka-Presidente at magsisilbing standard-bearer ng PDP-Laban wing na kinabibilangan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa huling araw ng candidacy filing nitong Biyernes, Oktubre 8.

Ayon kay Dela Rosa, siya raw ang magiging running mate ni Sen. Christopher “Bong” Go na tatakbo namang bise presidente.

“I am fielded by my political party, the PDP-Laban, for reasons that wala na silang ibang nakita na magpapatuloy sa legacy ng ating Pangulong Duterte, iyong ating laban sa droga, kriminalidad, korapsyon at terorismo, at ang pagpatuloy sa pagbangon ng ating ekonomiya amidst the pandemic,” pahayag ni Dela Rosa pagkatapos niyang ihain ang kaniyang kandidatura.



Si Dela Rosa, na dating Philippine National Police chief ang nanguna sa war on drugs ni Duterte nang iluklok siya sa puwesto noong 2016.

Kasalukuyang sinisilip ng International Criminal Court ang mga insidente ng pagpatay kaugnay ng war on drugs.

Nang tanungin naman kung posibleng mag-substitute sa kanya si Davao Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagkapresidente, sagot niya: “Eh di mas maganda. This is a party decision, not a personal decision.”

Si Duterte-Carpio ay naghain ng kandidatura para sa reelection ng pagkaalkalde ng Davao.

Noong 2019 senatorial elections, ika-5 si Dela Rosa sa may pinakamataas na boto.
Hanggang Nobyembre 15 pinapayagan ang pag-substitute ng kandidato.



Samantala, ayon sa mga political analyst ang pag-file ng COC ni Bato ay para sa substitution ni Sara. (Josephine Patricio)