Advertisers
ANYARE kay Senador Manny Pacquiao?
Tuloy pa ba ang kanyang kandidatura sa pagka-pangulo?
Bakit never heard na yata? Anyare, Mane?
Noong nagpaplano palang si Mane para maging lider ng mahigit 110 milyong Pinoy ay napakaingay ng kanyang kampo. Two years ago panga lang ay naghahanda na raw ito, naglagay na ng mga lider sa bawat probinsiya. Gumagastos na siya ng daang milyones. Kaya nga itina-laga siya ni Senador Koko Pimentel bilang pangulo ng PDP Laban nang walang konsultasyon sa party members, naging dahilan para magrebelde sina Energy Secretary Alfonso Cusi na backup naman ni Pangulong Rody Duterte. Resulta: Nahati ang ruling party na pinag-aaralan ngayon ng Comelec kung kanino dapat ibi-gay ang kapangyarihan para pamunuan ang partido.
Pero si Mane ay tumakbo sa partido ng PROMDI na nakabase sa Cebu.
Ang rason ni Mane, hindi niya naman inaabandona ang PDP Laban-Pimentel faction kundi pinalawak niya lang ang base ng kanyang kandidatura. Mautak din ano?
Pero, nagtataka lang talaga tayo kung bakit tahimik na si Mane pagkatapos mag-file ng kanyang CoC. Ni hindi niya nga inaanunsyo kung sino-sino ang kanyang senatoriables. Meron ba?
O baka naman aatras itong si Mane sa kanyang kandidatura sa pagka-pangulo at mag-Vice nalang bago ang deadline ng substitution sa Nobyembre 15? Puede!
Si Mane ay nangunguna sa mga survey sa bise presi-dente. Ibig sabihin ay winnable siya sa posisyong ito kesa sa pagka-pangulo kungsaan pang-apat lamang siya.
Puwede si Mane maging Vice ni Bongbong Marcos na siya na ngayong nangunguna sa presidential surveys. Dahil si Bongbong ay wala pang running mate. Malakas ang tandem na ito ‘pag nagkataon.
Anyway, masasagot ang mga katanungang ito bago ang Nob. 15. Subaybayan!
***
Posible pang magsanib-puwersa sina Vice President Leni Robredo at Manila Vice Mayor Isko Moreno.
Ito ang sinabi ng kapartido ni Isko na si Congressman Edgar Erece sa panayam ng media nung Miyerkoles.
Ang problema lamang dito ay kung sino ang bababa sa pagka-bise Presidente.
Paulit-ulit na sinasabi ni Isko na handa siyang ma-kipagsanib-puwersa pero tuloy ang kanyang pagtakbo sa pagka-pangulo.
Si Robredo naman ay imposibleng bababa sa pagka-bise lalo’t lumalakas ang kanyang kandidatura, duma-dami ang nagsusuot ng kulay pink, pati ang ilang gusali sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon, Visayas at Min-danao ay nag-iilaw ng pink sa gabi, pagpapakita na suportado nila si Leni para sa pagka-pangulo sa dara-ting na halalan. Mismo!
***
Marami parin ang nagdududa sa pag-file ng CoC sa pagkapangulo ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa.
Alam ni Bato na malabo pa sa ata ng pusit na siya’y mananalo sa pagka-pangulo pero ginawa parin nito. Posible nga na isu-substitute lang siya ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Si Sara ay nag-file ng reelection. Pero puede pa magwidro at mag-substitute kay Bato. Abangan!