Advertisers
CAGAYAN VALLEY – Bumagsak sa mga kamay ng otoridad ang isang high school principal kasama ang kapatid nito sa drug buy bust operation sa Barangay San Nicolas, Alcala, Pangasinan.
Kinilala ang magkapatid na sina Winy Dumlao, aktibong high school principal sa bayan ng Villasis, at Victor Dumlao, kapwa nasa tamang edad at residente sa naturang lugar.
Sa talaan ng otoridad, kapwa kabilang sa High Value Target (HVT) list ang magkapatid at dati narin may kinakaharap na kasong may kaugnayan sa iligal na droga, habang ang isa naman ay nahaharap sa kasong homicide.
Sa pinagsanib na puwersa ng PDEA Region 1, PDEA Pangasinan at Alcala PNP, nahuli ang magkapatid sa Brgy. San Nicolas. Nakuha sa kostudiya nila ang humigit kumulang 6 gramong shabu na nagkakahalaga ng P40,800; buy-bust money at isang cellphone.
Nasa impluwensiya pa ng droga nang madakip ang magkapatid. (Rey Velasco)