Advertisers

Advertisers

Titser, kabit na pulis naaktuhan ni mister

0 468

Advertisers

KALIBO, Aklan – Nahuli sa akto ng isang mister ang kanyang misis na kasama ang kalaguyo nitong pulis sa tinutuluyang boarding house sa C. Laserna St., Barangay Poblacion dito.

Sa ulat, ang mister ay nakilalang si alias “Boy”, 35 anyos, isang overseas Filipino worker, tubong Libacao, Aklan.

Ang misis nito, si alias “Girlie”, 32, tubong Banga, isang public school teacher; habang ang kalaguyo nito si alias “Tisoy”, 25, walang asawa at isang pulis.



Nabatid na palihim na umuwi si Boy mula sa ibang bansa para lamang malaman kung kanino nahuhumaling ang kanyang misis.

Lingid sa pagkakaalam ni Girlie, nasundan siya ni Boy sa tinutuluyan niya kasama si Tisoy.



Kaagad tumawag sa himpilan ng pulisya si Boy nang mahuli ang mga ito na magkasama.

Samantala, sinabi ni Atty. Harry Sucgang na maliban sa kasong kriminal, maaaring mahaharap rin ang dalawa sa kasong administratibo dahil kapwa government employees ang mga ito na posibleng magbunsod ng pagpapaalis sa kanila sa serbisyo at kasong adultery.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">