Advertisers

Advertisers

Covid update: 6,913 bagong kaso; 10,237 gumaling; 95 nasawi

0 101

Advertisers

NAKAPAGTALA lamang ang Department of Health ng 6,913 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Linggo, Oktubre 17.

Samantala ay mayroon namang naitalang 10,237 na gumaling at 95 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.0% (81,641) ang aktibong kaso, 95.5% (2,598,052) na ang gumaling, at 1.50% (40,675) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 15, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 0.5% sa lahat ng samples na naitest at 0.5% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More