Advertisers
SINITA ang isang cellphone technician dahil walang suot na facemask at nakuhanan ito ng nasa P340,000 halaga ng shabu sa Paranaque City noong Huwebes, Oktubre 14.
Kinilala ni Parañaque Police chief , Colonel Maximo Sebastian, ang inaresto na si Angelo Bartolay, 32.
Base sa imbestigasyon ng Parañaque City Police, nadakip si Bartolay 6:20 ng gabi sa Ipil Site, Delarama Compound, BF Homes.
Ayon kay Sebastian, sa mga panahong iyon ay nagsasagawa ng “Oplan Galugad” operation ang kanyang mga tauhan nang makita nila si Bartolay na naglalakad ng walang face mask.
Sinita ng mga operatiba si Bartolay. Imbis na tumalima, tumakbo ito at nagkaroon ng maigsing habulan bago ito nahuli.
Sa isinagawang procedural body search kay Bartolay, nakuha rito ang 50 gramo ng shabu na nakalagay sa loob ng isang kaha ng sigarilyo na nagkakahalaga ng P340,000. (Gaynor Bonilla)