Advertisers

Advertisers

P5m natangay sa ATM sa loob ng mall

0 347

Advertisers

BINUTASAN ng mga kawatan ang isang automated teller machine (ATM) at nakakuha ng mahigit P5 milyon mula rito sa Gapan City, Nueva Ecija.

Ayon sa ulat, sa loob ng isang mall sa Gapan City nakalagay ang nasabing ATM.
Nataon daw na may ginagawa sa mall kaya nabutasan ng mga magnanakaw ang pader nito at pagkatapos ay ang ATM naman ang binutasan para makuha ang malaking kwarta.

“May construction na ginagawa doon, at may bantay doon,” pahayag ni Police Provincial Director Colonel Rhoderick Campo. “May anggulo po tayong tinitingnan na inside job.”



Iniimbestigahan na ang mga posibleng suspek sa krimen. Lima katao na ang itinuturing na person of interest.