Advertisers

Advertisers

P1.6-B shabu nasamsam sa 2 tulak sa Cavite

0 257

Advertisers

MAHIGIT sa P1.6 bil-yong halaga ng shabu ang nasamsam sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa Cavite Sabado ng hapon.

Sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kinilala ang dalawang nadakip na sina Wilfredo Blanco Jr., 37 anyos; at Megan Lemon Pedroro, 38, kapwa taga Kasiglahan Village, Rodriquez, Rizal.

Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, 3:30 ng hapon nang magsagawa ng buy bust operation ang pinagsanib na mga elemento ng PNP Drug Enforcement Group PNP-DEG, PDEA, National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Bureau of Customs (BOC), at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa parking area ng Max Restaurant sa Brgy. Salitran 2, Aguinaldo Higway, Dasmarinas City, Cavite.



Nakuha sa dalawa ang nasa 240 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P1.656 bilyon.
Nakatakdang i-deliver ang nasabing droga ng mga naaresto sa Visaya, Mindanao at Calabarzon.(Mark Obleada)