Advertisers

Advertisers

Kaso ng COVID-19 sa ‘NCR Plus 8’ pababa na – OCTA

0 453

Advertisers

PABABA na ang mga kaso ng COVID-19 cases sa mga lugar na sakop ng tinaguriang ‘NCR Plus 8 areas’ sa bansa.

Ang NCR Plus 8 areas na kinabibilangan ng National Capital Region (NCR), Rizal, Pampanga, Batangas, Laguna, Cavite, Bulacan, Davao City at Cebu City, ay matatandaang inilagay ng pamahalaan sa quarantine bubble may ilang buwan na ang nakakaraan matapos na makitaan ng pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Guido David, ng OCTA Research Group, nasa ‘less than 0.55’ na lamang ang reproduction number sa mga naturang lugar, o yaong bilang ng mga tao na maaaring ihawa ng isang pasyente ng COVID-19 ng sakit.



Sa inilabas na datos ni David sa kanyang Twitter account, lumilitaw na ang Rizal ang may pinakamataas na reproduction number na nasa 0.55 na lamang, kasunod ang NCR at Pampanga na may 0.52 na lamang.

Nasa 0.51 naman ang reproduction number ng Batangas, 0.50 ang Bulacan, 0.49 ang Davao City, 0.45 ang Laguna, 0.44 ang Cebu City, at pinakamababa ang Cavite na may 0.43 na lamang.

Samantala, ang Batangas naman ang nakapagtala ng pinakamataas na healthcare utilization rate (HCUR) na nasa 54%, kasunod ang Rizal na may 53%, at Davao City na may 47%.

Ang Davao City naman ang nakapagtala ng pinakamataas na ICU utilization rate na nasa 68%, sumunod ang Rizal na may 67% at Batangas na may 65%.

Nakapagtala naman ng below 10 na positivity rate ang NCR na may 8% na lamang, at Cebu City at Cavite na may tig-6% na lamang.



Pagdating sa average daily attack rate (ADAR), nakapagtala ang NCR ng 8.79, sinundan ng Rizal na may 6.46, Davao City na may 6.26, Laguna na may 5.76, Cavite na may 5.46, Bulacan na may 4.93, Pampanga na may 4.71, Batangas na may 4.46, at Cebu City na may 2.47. (Andi Garcia)