Advertisers
KINUMPIRMA ng Malakanyang na mahigit 25.7 milyong katao na sa bansa ang fully vaccinated laban sa COVID-19.
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque na hanggang noong Oktubre 24, kabuuang 25,711,980 indibidwal ang fully vaccinated na kontra COVID-19.
Nasa 55,715,693 doses naman ng COVID-19 vaccines na sa ngayon ang naituturok sa buong bansa, kabilang na ang 30,003,713 na first dose.
Saad pa ni Roque na 17,621,460 doses na ang naituturok sa Metro Manila kung saan 8,331,665 dito ang second dose.
Ibig sabihin, 85.22 percent ng mga residente sa Metro Manila ang fully vaccinated na kontra COVID-19. (Josephine Patricio)