Advertisers
Mga pekeng signature goods tulad ng Dior face mask at Hello Kitty pajamas, ilan lamang ito sa mga nakumpiska ng Bureau of Customs sa ikinasang raid sa isang warehouse sa Binondo, Manila.
Ito ang iniulat ng ahensya niyong Miyerkoles, Oktubre 27 kung saan target nila ang mga nakaimbak na counterfeit goods na gumagamit ng label ng mga popular na brand.
Nakatanggap kasi ng intelligence report ang BOC na may itinatagong mga pekeng produkto ang naturang warehouse, na malinaw na paglabag sa Intellectual Property Rights (IPR) ng mga naturang product label.
“With the absence of the unit owner or representative, the inspection was suspended, and several units were temporarily sealed with 8484 markings,” sinabi ng BOC.
Pagpapaalala ng BOC, ang mga counterfeit goods ay malinaw na paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.(Jocelyn Domenden)