Advertisers

Advertisers

Rapist 4 taon nagtago, arestado

0 261

Advertisers

Natapos na ang apat na taong pagtatago ng lalaki sa bayan ng Goa Camarines Sur nang maaresto ng mga tauhan ng PNP sa probinsya ng Bulacan.

Kinilala ang suspek na si Christopher Mariano y Magdaraog, 45, tubong Brgy Cagaycay, Goa, Camarines Sur, at ngayon naninirahan sa Zone 6 Brgy. Cutcot, Pulilan, Bulacan.

Ayon sa report, 6:50 ng hapon ng Oktubre 26, 2021 naaresto ang suspek sa bahagi ng Crossing Brgy. Cutcot, Pulilan, Bulacan nang tuluyan ng mahulog sa kamay ng mga operatiba ang No. 9 Regional Most Wanted Person.



Nahaharap si Mariano sa kasong Rape in relation to RA 7610 o panghahalay ng isang menor de edad na wala pyansa inilabas ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ang nasabing akusado nasa kustodiya na ng Pulilan MPS para booking procedure at disposasyon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">