Advertisers

Advertisers

Scammer nakatangay ng P40m, timbog

0 941

Advertisers

Nadakip ng mga elemento ng Criminal Investigstion and Detection Group (CIDG) ang babae nakapagbiktima ng P40 Million sa pamamagitan ng investment scam sa isinagawang operation sa Baguio City, Huwebes ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Cora Gaviola Catalino, 44 anyos, ng Cainta, Rizal.

Ayon kay MGen Albert Ignatius D. Ferro, 5:00 ng umaga nang maaresto ng pinagsanib na elemento ng CIDG Rizal Provincial Field Unit at Baguio City Police sa isang condominium sa Upper General Luna Road, Baguio City.



Inaresto si Catalino sa bisa ng Warrant of arrest sa kasong Estafa na ipinalabas ng korte.

Batay sa pahayag ng mga biktima, nagpakilala si Catalino na emplayado at financier sa OKADA Casino and Hotel at nakumbisi sila na mag-invest sa pangakong 20 percent na kita ng kanilang pera sa loob ng 15 araw.

Matapos na makuha ang pera hindi na umano nagpakita ang suspek at nagpalipat lipat ng tirahan.

Natuklasan rin ng CIDG na mayroon warrant of arrest ang suspek at nag-bail sa 3 kasong Illegal Recruitment in large scale na ipinalabas ang korte noong 2012.

Pinaalalahanan ni Ferro ang publiko na maging maingat at huwag tangkilikin ang ganitong mapanglinlang na investment schemes.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">