Advertisers
Palaisipan sa mga awtoridad ang pamamaslang sa 44-anyos na lalaki ng pasukin sa loob ng bahay sa Purok 4, Brgy. Inanama, Llanera, Nueva Ecija, Lunes ng madaling-araw.
Kinilala ang biktima na si Alberto Jacob Francisco.
Sa pagsisiyasat ni P/Cpl. Michael Ganao, mahimbing na natutulog si Francisco, katabi ang mga anak na lalaking edad 7 at 11 nang pasukin ng dalawang armadong salarin.
Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon sa pagkakilalan ng salarin at motibo ng krimen.