Advertisers

Advertisers

Covid update: 2,376 bagong kaso; 2,109 gumaling; 260 patay

0 209

Advertisers

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 2,376 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Biyernes, Nobyembre 5.

Samantala ay mayroon namang naitalang 2,109 na gumaling at 260 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.3% (37,377) ang aktibong kaso, 97.1% (2,716,524) na ang gumaling, at 1.58% (44,085) ang namatay.



Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 3, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 1.4% sa lahat ng samples na naitest at 0.9% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)