Advertisers

Advertisers

Disqualification vs Marcos ‘paso na’ batay sa desisyon ng SC sa katulad na kaso

0 294

Advertisers

MAITUTURING nang paso ang petisyon na inihain para kanselahin ang Certificate of Candidacy (CoC) ni 2022 presidential candidate at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Ito ay kung pagbabatayan ang naging pasya noon ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio T. Carpio sa “Ty-Delgado v. HRET” case.

Batay sa naturang desisyon ng Korte Suprema, ang disqualification case na inihain dahil sa conviction ng kandidato sa krimen sangkot ang usapin hinggil sa “moral turpitude” ay dapat mapapaso na limang taon pagkalipas mapanilbihan ang sentensya sa ilalim ng Section 12 ng Omnibus Election Code.



Sa kaniyang desisyon, pinagbasehan ni Carpio ang Teves vs. Comelec sa computation ng nasabing disqualification. Ayon kay Carpio dahil napanilbihan na ng pulitiko ang kaniyang sentensya nang mabayaran niya ang multa noong February 17, 2011, ang five-year period ay nagtapos na ng February 16, 2016.”

Napag-alaman na si Marcos ay nakapagbayad na ng kaniyang fine noong December 2001.

Kung susundin ang SC ruling tapos na ang five-year disqualification period kay Marcos.

Malinaw din sa 1997 tax case na dininig ng Court of Appeals na ang mga nakahabla laban kay Marcos ay hindi tungkol sa hindi pagbabayad ng buwis, kundi “failure to file an income tax return”.

Sa panahong iyon, napagpasiyahan ng Korte Suprema sa kaso ng Republic of the Philippines vs. Marcos na hindi maaaring madiskwalipika si Marcos dahil hindi naman siya nagkasala sa krimeng may kinasasangkutang moral turpitude.



Ayon sa Korte Suprema, ang kabiguang maghain ng income tax return ay hindi krimeng patungkol sa moral turpitude. (Josephine Patricio)