Advertisers
NASAWI ang isang barangay kapitan nang banggain ng isang SUV ang sinasakyang motorsiklo sa intersection ng bypass road sa Santa Cruz, Alicia, Isabela.
Kinilala ni Major Francis Pattad, hepe ng Alicia Police Station, ang mga nasangkot sa aksidente na isang motorsiklo na minamaneho ni Barangay Kapitan Guilbert Guillermo, nasa tamang edad, may-asawa, ng Aniog, Angadanan, Isabela; at isang Fortuner na may plakang NCW 1611 na minamaneho ni Johnly Niño, 29 anyos, ng Bayabo East, Tumauini, Isabela.
Sa ulat, binabagtas ng SUV ang bypass road patungong Santiago City nang pagsapit sa intersection ay nabangga ang motorsiklo.
Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang barangay kapitan na binawian ng buhay sa pagamutan. (Rey Velasco)