Advertisers

Advertisers

20 taon nagtago: Magsasaka ni-rape ang utol sa N. Ecija, timbog sa Cagayan

0 319

Advertisers

NUEVA ECIJA – Arestado sa kanyang pinagtataguan sa Cagayan ang isang magsasaka na mahigit 20 taon nagtago sa batas kaugnay ng kasong panggagahasa sa nakababata niyang kapatid sa Bongabon, Nueva Ecija noong 1997.

Nasa kustodiya na ng Bongabon Police si Rudy Quiliguin, 47, taga-Brgy. Pantoc, Bongabon, kasunod ng pagkakadakip nito sa Brgy. Cunig, Gattaran sa Cagayan nitong Sabado.

Ayon kay Bongabon Police chief, Capt. Aniceto Caraang, akusado si Quiliguin ng panggagahasa sa kanyang kapatid na babae noong Abril 1997 sa kanilang lugar.



Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">