Advertisers

Advertisers

Ex-Police na holdaper ng 2 pawnshops timbog

0 343

Advertisers

SINAMPAHAN na ng kaso ang isang dating pulis na sangkot sa panghoholdap sa dalawang pawnshops sa Quezon City.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, Brig. General Antonio Yarra, kinilala ang suspek na si Patrolman Dennis Marucut, dismissed na pulis na dating nakatalaga sa Police Regional Office 3 (PRO3) ngunit nag-AWOL noong 2020. Sinampahan na ito ng patung-patong na kaso sa piskalya.

Kabilang dito ang mga kasong gun smuggling, robbery, at acts of lasciviousness.



Ayon kay QCPD-Masambong Police Station (PS- 2) commander Lt. Col. Ritchie Claravall, naganap ang robbery hold-up Nobyembre 9, bandang 9:05 ng umaga sa Palawan Express sa Roosevelt Avenue corner Del Monte, Brgy. Del Monte na kinasasangkutan ng isang lalaki na nakasuot ng PNP New Pixelized Uniform, at sakay ng kulay blue at gray na Yamaha Aerox.

Nakilala ang lalaki bilang si Marucut. Positibo siyang tinukoy ng mga testigo sa mga larawan na ibinigay ng mga pulis base sa deskripsiyon nito mula sa mga kuha ng CCTV cameras sa lugar.

Naaresto ito sa Mc Arthur Highway, Apalit, Pampanga 10:00 ng umaga ng Nob. 11.

Nabati din na si Marucut ang nasa likod ng panghoholdap sa MLhuiller Tandang Sora Branch sa 215 Tandang Sora Ave., Quezon City 4:30 ng hapon ng Nobyembre 9, 2021.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">