Advertisers
Ginunita nitong Martes ang 12th anniversary ng Ampatuan massacre na nangyari noong 2009 sa Maguindanao.
Nag-alay muna ng misa ang pamunuan ng National Press Club (NPC) bago nagsindi ng kandila at bulaklak sa marker ng Ampatuan o Maguindanao massacre.
Maalalang nangyari ang massacre noong Nov. 23,2009 sa bayan ng Ampatuan sa Maguindanao province sa Isla ng Mindanao.
Panahon ito ng election nang tambangan ang convoy ng mga sasakyan lulan ang 58 indibidwal kasama ang 32 miyembro ng mamamahayag.
Patungo ang mga biktima noon para maghain ng certificate of candidacy (CoC) para kay Esmael Mangudadatu, na noo’y bise alkalde ng bayan ng Buluan nang pagbabarilin ang mga ito saka inilibing sa malawak na bukirin maging ang mga sasakyan.
Ayon kay NPC President Paul Gutierrez, patuloy nilang ipagtatanggol at ipagpupursige ang katapatan at kapakanan ng mga mamahayag.
“With another election year coming, we assure the Filipino public that we will not be cowed by threats of lies and deception as we face the challenges that next year’s democratic exercise bring.” bahagi ng pahayag ni Gutierrez.
Kaugnay rito, sinabi ni PTFoMS Usec Joel Egco na lahat ng kaso na kanilang hinahawakan na may kinalaman sa media killings, kanilang iniimbestigahan at ganon sila kasigasig.
Pinaalalahanan din ni Egco ang mga miyembro ng media na maging maingat din sa pagpo-post sa social media dahil nakamamatay ang Facebook.(Jocelyn Domenden)