Advertisers

Advertisers

Lolo kinagat ng buwaya sa resort zoo sa CdeO

0 241

Advertisers

ISANG 68-anyos na lolo ang nasugatan at nabalian ng buto nang makagat ng buwaya sa zoo ng isang resort sa Cagayan de Oro.

Sa ulat, nagpapa-picture ang biktima na si Nehemias Chipada kasama ang kaniyang pamilya sa mga estatwa sa isang pond sa Amaya View nang bigla itong sakmalin ng buwaya.

Kinagat ng 12-talampakan na buwaya si Chipada sa braso hanggang swerteng nakawala ang lalaki at nakatakbo habang duguan. May nakuhang ngipin ng buwaya sa kanyang braso.



Ayon sa anak niya na si MJ, nagpadala ng tulong pinansyal ang management para sa pagpagamot ng kaniyang ama.

Birthday umano ng biktima at namasyal sila sa resort noong Nob. 10.

Sa statement ng Amaya View sa kanilang Facebook page nitong Lunes, sinabi nilang handa rin silang panagutan ang lahat ng medical bills nito hanggang maka-recover.

Kinondena nito ang naglabasan na false information sa social media tungkol sa insidente at umapela sa publiko na huwag mag-post ng mga nakakasama laban sa biktima at ang kaniyang pamilya.

Iginiit din ng Amaya View na responsibilidad nila ang kaligtasan ng kanilang lahat na mga bisita.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">