Advertisers
HAHAWAKAN din ng Commission on Elections (Comelec) Second Division ang dalawa pang petisyon for disqualification na inihain laban kay presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..
Ito ang kinumpirma ng Office of the Clerk of the Commission ng Comelec nitong Miyerkules, Nobyembre 24.
Ang mga petisyon na ito ay ang inihain ni Tiburcio Marcos na nagnanais ipakansela ang certificate of candidacy ng dating senador at ang isa naman ay ang inihain ni Danilo Lihaylihay na nagnanais ipadeklarang nuisance candidate si Marcos.
Nauna nang inanunsyo ni Comelec spokesperson James Jimenez na ang petisyon na inihain ni Fr. Christian Buenafe et al na naglalayong ikansela ang COC ni Marcos ay na-raffle sa kaparehong division.
Nauna nang itinakda ng poll body ang preliminary conference sa petisyon ni Buenafe sa Nobyembre 26.
Wala pang update sa petition-in-intervention na inihain laban kay Marcos pati na rin ang nagnanais naman na siya ay madiskwalipika sa 2022 polls. (Josephine Patricio)