Advertisers

Advertisers

P147.2B duplicate projects sa DPWH buking ni Sen. Ping

0 114

Advertisers

ISINIWALAT ni Senador Panfilo Lacson ang nadiskubre niyang P147.283 bilyong halaga ng ‘duplicate projects’ sa budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa susunod na taon.

Ayon sa senador, ang mga nadobleng proyekto ay nasa ilalim lamang ng ‘Convergence and Special Support Program’ ng pondo ng DPWH.

“We note that under the program ‘Convergence and Special Support Program,’ there is apparent duplication of projects, particularly under the Sustainable Infrastructure Projects Alleviating Gaps (SIPAG) and Basic Infrastructure Program (BIP),” pahayag ni Lacson.

Ani Lacson, dapat ay malinaw kung ano-anong mga proyekto ang nasa ilalim ng SIPAG at BIP.

Sinabi ni Lacson na ang mga nadobleng proyekto ay mga kalsada, anti-flood, multi purpose buildings at coastal causeways.

Sa kabuuan aniya ang duplicate projects ay pinondohan ng P110.118 bilyon sa SIPAG at P37.164 bilyon naman sa BIP.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More