Advertisers
NASA mahigit 17,000 na lamang ang aktibong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Batay sa case bulletin #620 na inilabas ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, Nobyembre 24, nakapagtala ang kagawaran ng 890 bagong kaso ng COVID-19.
Mas mababa ito sa 1,153 kaso ng COVID-19 na naitala nitong Martes ng hapon.
Ayon sa DOH, dahil sa mga bagong kaso ng sakit, umaabot na sa 2,828,660 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.
Sa naturang kabuuang bilang, 0.6% na lamang o 17,864 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.
Sa mga active cases naman, 53.4% ang mild cases, 21.39% ang moderate cases, 14.4% ang severe cases, 6.0% ang critical cases at 4.8% ang asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ng sakit.
Mayroon din namang 1,710 mga pasyente ang gumaling na sa karamdaman, kaya’t nasa 2,763,114 na ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.7% ng total cases.
Mayroon pa rin namang 200 pasyente na namatay dulot ng COVID-19.
Sa kabuuan, nasa 47,682 na ang COVID-19 deaths sa bansa o 1.69% ng total cases. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)