Advertisers

Advertisers

Colleges at universities puede na sa face-to-face classes sa Disyembre – CHED

0 97

Advertisers

INANUNSIYO ng Commission on Higher Education (CHED) na puwede na sa limitadong face-to-face classes ang lahat ng mga degree programs sa Disyembre sa ilalim ng Alert Level 2 pababa.

Ayon kay CHED Chairman Popoy De Vera, ito’y hangga’t nakakasunod sila sa mga alituntunin sa muling pagbubukas ng “in-person” classes.

Saad pa ni De Vera, na ang expanded face-to-face classes ay pandagdag sa orihinal na limited face-to-face para sa medical and allied health sciences, engineering, tourism at maritime na unang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nilinaw pa nito na sa ilalim ng pinalawak na limitadong face-to-face classes, maaaring muling buksan ng mga higher education institution (HEIs) ang kanilang mga campus sa ilalim ng ilang kondisyon kabilang ang pagiging fully vaccinated laban sa Coronavirus Disease 2019.

Giit ni De Vera na para sa mga HEI, dapat silang makasunod sa mga kinakailangang minimum public health standard.

Isa pang konsiderasyon ay ang koordinasyon o pagsang-ayon ng mga lokal na pamahalaan.

Binigyan-diin pa ni de Vera na maaari na ngayong mag-apply ang mga HEI sa limited face-to-face classes sa lahat ng degree program sa limitadong kapasidad na 50 percent basta’t sumusunod sila sa mga requirements na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force. (Josephine Patricio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More