Advertisers

Advertisers

KANDIDATONG MAYOR ‘KILLER’ NG MARKET ADMIN ARESTADO!

0 528

Advertisers

INARESTO ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang kandidatong mayor ng Malabang, Lanao Del Sur kaugnay ng pagpatay sa market administrator ng Malabang.

Kinilala ang inaresto na si Alinader Balindong alyas “Badar,” 67 anyos, dating vice mayor ng bayan ng Picong, Lanao Del Sur at tumatakbong mayor ng Malabang sa darating na halalan.

Ayon kay Police Major General Albert Ignatius D Ferro, director ng CIDG, inaresto si Balindong ng mga elemento ng CIDG Provincial Field Unit Lanao del Sur, Provincial Field Unit Misamis Occidental at Ozamis City Police Station sa Misamis University Medical Center sa Barangay Bagakay, Ozamis City kungsaan ito naka-confine.



Sa ulat, inaresto si Balindong sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Murder na walang pi-yansang ipinagkaloob at kasong Frustrated Murder na mayroon P200,000 piyansa ni Hon. Alberto P. Quinto, designated judge ng Regional Trial Court, 12th Judicial Region, Branch 11 sa Malabang noong Nov. 10, 2021.

Kasalukuyang naka-confine si Balindong sa Misamis University Medical Center sa Brgy. Bagakay, Ozamis City nang magpakita ang abogado nito ng “Interim Order” na pinayagan ng korte para sa hospital arrest noong Nov. 22, 2021.(Mark Obleada)