Advertisers

Advertisers

P1-B fuel subsidy sa jeepney drivers simula na

0 229

Advertisers

INANUNSIYO ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na sinimulan nang ipamahagi ng pamahalaan ang P1 bilyon fuel subsidies sa 130,000 public utility jeepney drivers.

Isinagawa ito kasunod ng launching ceremony ng Pantawid Pasada Fuel Program (PPP) ng LTFRB nitong Miyerkules, na naglalayon na tulungan ang mga tsuper sa gitna ng patuloy na pagsirit ng presyo ng langis.

“Kailangang tulungan natin ang transport sector, lalung-lalo na ang mga tsuper at operator ng public utility jeepneys,” ani LTFRB Chairman Martin Delgra.



Inaasahang makatatanggap ang 130,000 jeepney drivers ng P7,200 kada sasakyan, isang one-time subsidy. Ipapasok naman ang financial assistance sa kani-kanilang PPP cards.

Paalala ni LTFRB NCR Regional Director Atty. Zona Tamayo, na puwede lamang gamitin ang subsidy sa pagbili ng langis sa mga kalahok na petroleum retail outlets o gasoline stations. Sa kasalukuyan ay nasa siyam na fuel firms ang kalahok sa programa.

Babala pa nito na hindi makakatanggap ng benepisyo sa naturang programa ang sinumang lalabag sa paggamit ng PPP card. (Josephine Patricio)