Advertisers

Advertisers

‘Etits’ naputukan ng baril

0 384

Advertisers

ILOILO CITY – Patuloy na ginagamot sa ospital ang isang lalaki nang aksidenteng naputukan ng baril ang ari nito sa Barangay Don T. Lutero East, Janiuay, Iloilo.

Kinilala ang biktima na si Elias Catador, 64 anyos, ng Barangay Don T. Lutero East. Ang may-ari ng baril ay kinilalang si Delfin Adonador, caretaker ng isang merchandising shop.

Ayon kay Major Eleazar Climacosa, hepe ng Janiuay Municipal Police Station, nag-uusap sina Catador at Adonador kungsaan ipinakita ng huli ang kanyang .38 caliber pistol.



Nang ibabalik na ni Adonador ang kanyang baril, aksidente itong nahulog at pumutok, tinamaan sa kanyang ari si Catador.

Nasa kustodiya na ng pulisya si Adonador.