Advertisers
IPINAG-UTOS ni Philippine National Police Chief, Genetal Dionardo Carlos, ang masusing imbestigasyon kaugnay ng pamamaril-patay sa isang dating Barangay Chairman na kandidato sa pagka-konsehal at pamangkin nito, habang sugatan ang kanilang driver sa San Simon, Pampanga.
Kinilala ang mga biktima na sina Rogelio Salvador Jr., 42 anyos, dating chairman ng Barangay Concepcion at kandidato sa Sangunian Bayan; at pamangkin nitong si Joel Salvador.
Habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang sugatang driver na si Arnel Caparas.
Sa report, 7:00 ng gabi nang tambangan ang mga biktima sa Brgy. San Miguel sa bayan ng San Simon.
Sakay ang mga biktima sa isang Chevrolet Trailblazer (CDZ5651) patungo sa Brgy. San Jose nang pagsapit sa Bambang road ay pinaputukan sila ng mga nakasakay sa kasalubong na sasakyan.
Nasawi noong din si Rogelio at pamangkin nitong si Joel, habang sugatan si Caparas.
Sinabi ni Carlos na maaga pa upang sabihin na election related ang nangyari kahit na kandidato ang biktima sa Election 2022.(MARK OBLEADA)