Advertisers

Advertisers

Ex-pulis pumatay sa mag-ina sa Tarlac, tigok sa NBP hospital

0 408

Advertisers

Kinumpirma ni Bureau of Corrections spokesman Gabriel Chaclag na binawian na ng buhay si dismissed Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca, Martes ng gabi.

Matatandaang si Nuezca ang bumaril at nakapatay sa mag-inang sina Sonia at Mark Anthony Gregorio sa Tarlac noong Disyembre 2020 nang magkainitan sa pinaputok na ‘boga’ at sa usapin sa lupa.

Ayon kay Chaclag, nakita si Nuezca na unconscious ng kanyang mga kakosa.
Agad itong dinala sa hospital, 6:30 ng gabi subali’t namatay din 6:44 ng gabi, Nov. 30, 2021.



Inaalam pa ang sanhi ng pagkamatay ni Nuezca kung may naganap na foul play sa naturang insidente.