Advertisers

Advertisers

Kampanya kontra private armed groups pinaigting ng PNP

0 331

Advertisers

MAS pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang kampanya kontra Private Armed Groups (PAGs) at Terrorist Group na posibleng maging banta sa gaganaping 2022 National and Local Election.

Ayon kay PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, patuloy ang kanilang isinasagawang pagmonitor sa 6 na aktibong PAGs sa buong bansa na posibleng maging banta sa seguridad at kredibilidad sa nalalapit na pagdaraos ng election sa May 2022.

Bukod dito, sinabi ni Carlos na patuloy din ang kanilang pagmonitor sa may 138 grupo na posibleng maging aktibo habang papalapit ang 2022 election.



Aniya, inatasan na ang lahat ng mga Regional Director at Provincial Director na magsagawa ng accounting at profiling sa mga miyembro ng nasabing grupo, pagtukoy sa kanilang kakayahan at sa kanilang mga koneksyon.

Binigyan-diin ni Carlos na layunin nito na mapigilan ang kanilang mga plano sa paglulunsad ng mga pananakot at karasahan sa isang komunidad.

Magugunita na ipinag-utos na ni Carlos ang pagpapaigiting ng kampanya kontral loose firearms at pagsasagawa ng mga operation laban sa mga nag-iingat ng mga walang lisensiyang mga baril.

“This is two-way traffic. We call the public to help us by reporting to authorities suspicious individuals lurking in their areas,” apela ni Carlos sa publiko.

Sinabi ni Carlos na magtatalaga ang PNP ng mga karagdagang tropa sa mga lugar na mapapatunayang mayroong mga aktibong PAGs upang tiyakin ang seguridad at kaayusan dito. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">