Advertisers
APRUBADO na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Christmas parties at ibang pagtitipon sa panahon ng Pasko.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na maari ang Christmas parties sa mga lugar na nasa Alert Level 2.
Pero kinakailangan aniyang sumunod sa alert level regulations.
Sa ilalim aniya ng Alert Level 2, pinapayagan ang 50-percent venue capacity para sa mga pagtitipon.
Kung gagawin ang pagtitipon sa mga establisyimento, pwede silang dagdagan pa ng 10 porsyentong capacity kung may safety seal.
Kaakibat ng kondisyong ito ay ang pagsunod pa rin sa minimum public health standards tulad ng pagsusuot ng face mask at pag-obserba sa social distancing.
Nagpaalala naman si Malaya sa mga establisyimento na hindi makasusunod sa mga patakaran na maaari silang mabawian ng safety seal at masuspinde ang business permit.