Advertisers
BAHAGYANG tumaas ang mga naitalang bagong pumanaw dahil sa coronavirus disease nitong Biyernes, Disyembre 3.
Sa latest update ng Department of Health (DOH), 235 ang bagong pumanaw sa virus habang nakapagtala naman ng 734 gumaling.
Sa kabila nito, nanatiling mababa ang naitalang bagong kaso na umabot lamang sa 544.
Mula sa kabuuang bilang na 2,833,878 na kaso ng COVID-19 sa bansa, ang 2,769,914 nito ay gumaling na .
Nasa 48,987 naman ang namamatay na dahil pa rin sa COVID-19.
Mayroon pa rin namang 14,977 na aktibong kaso ngunit patuloy naman itong bumababa.
Sa kabila ng patuloy na pagbaba ng COVID-19 ay patuloy din na pagpapaalala sa publiko na sumunod ng husto sa minimum public health standards at makiisa sa pambansang pagbabakuna upang maproteksyunan ang ating sarili laban sa sakit.
Kasabay nito ang pagiging alisto sa mga sintomas. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)