Advertisers
UMABOT na sa humigit kumulang 5.7 million kabataan sa Pilipinas ang fully vaccinated na kontra COVID-19.
Pahayag ito ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr..
Samantala, aabot naman sa 8 million ang bilang ng mga edad 12 hanggang 17-anyos na first dose pa lamang ng COVID-19 ang natatanggap.
Iginiit naman ni Galvez na nagpupursige rin silang mabakunahan na rin ang mga batang edad lima hanggang 11 naman.
Samantala, nagpapasalamat si Galvez kay Philippine ambassador to the US Jose Manuel Romualdez sa pagsusumikap naman nitong mapabilis ang delivery ng Pfizer COVID-19 vaccines para sa age group na ito.
Sa kabuuan, mayroon nang 50.6 million katao sa Pilipinas na fully vaccinated na kontra COVID-19.