Advertisers

Advertisers

Anak umamin sa pagpatay sa ama, ibinaon sa bakanteng lote

0 306

Advertisers

KALANSAY na nang makita ang isang ama na iniulat na nawawala may anim na buwan na ang nakakaraan. Pinatay ito ng sariling anak at ibinaon malapit sa kanilang bahay sa Purok Badiang, Barangay Camingawan, Kabankalan City, Negros Occidental.

Kinilala ni Police Lt. Col. Reymund Cruz, Kabankalan City police chief, ang biktima na si Leonardo Benigay, 50 anyos.

Nadiskubre ang mga labi ni Benigay nang maghukay malapit sa lugar ang kanyang pinsan nitong nakaraang Lunes, Enero 3, alas-11:00 ng umaga.



Nang makita ang mga buto ng biktima, napilitang umamin sa krimen ang anak nitong si Miguel, 25.

Ayon sa ulat, sinabi ni Miguel na pinatay niya ang kanyang ama makaraang bugbugin siya nito at pagbintangang nagnakaw ng pera.

Nang makakuha ng pagkakataon, kumuha ng martilyo si Miguel at hinampas sa ulo ang kanyang ama na agad nitong ikinamatay.

Inamin ni Miguel sa kanyang tiyuhin na siya ang pumatay sa kanyang ama pero sinabing tinulungan siya ng isa niyang kapatid na lalaki para itago ang krimen. Ibinaon nila ang bangkay sa isang bakanteng lote na malapit lamang sa kanilang bahay.

Hindi maalala ni Miguel kung anong petsa niya pinatay ang kanyang ama.



Nang dumating ang pulisya, uminom ng tubig na may pesticide si Miguel kaya naka-confine ito ngayon sa Lorenzo D. Zayco District Hospital.

Ayon pa kay Cruz, sinabi ni Miguel sa kanyang tiyo na nagalit siya sa kanyang ama dahil lagi siyang sinasaktan nito.