Advertisers

Advertisers

Tauhan ng BOC patay sa ambush

0 429

Advertisers

Nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang Manila Police District (MPD) sa pananambang sa isang empleyado ng Bureau of Customs (BOC) sa Binondo, Maynila Sabado ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Eudes Nerpio, Section Chief ng section 1B BOC- MICP.

Alas 7:44 Biyernes ng gabi nang mangyari ang pananambang habang binabagtas ni Nerpio ang Plaza Cervantes patungong Quintin Paredes St. at San Vicente St., Binondo, Maynila.



Lulan ito ng kanyang Toyota Innova na kulay gray nang barilin sa ulo ng nag-iisang gunman na nakamotorsiklo, black jacket at grey helmet.

Naitakbo pa sa Manila Medical Center Hospital ngunit ideklarang patay pasado alas 8 ng gabi.

Napag-alaman din na may pasahero ang biktima na si Cris Erna kung saan ligtas sa pamamaril at walang tinamong anumang sugat.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente habang inaalam ang posibleng motibo sa pananambang kung may kinalaman ito sa kanyang trabaho bilang kawani ng BOC.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">