Advertisers

Advertisers

Ogie Diaz nabudol ng Misis ni Terrence Romeo

0 253

Advertisers

Masaya ang talent manager na si Ogie Diaz na sa wakas naaresto na ang misis ng basketball player na may utang sa kanya.

“Ang luma na ng mga dahilan ng misis ni Basketball Player. Hintayin ko raw siyang makabangon para mabayaran ang utang sa akin. Dalawang taon na niyang sinasabi yan. At dito lang siya consistent, ah! Sana, sa pagbabayad din ng utang, Ms. P,” saad ni Diaz sa Facebook post.

Bagama’t walang binanggit na pangalan si Ogie, ang sinasabing misis lamang ni PBA star Terrence Romeo na si Beatrice Pia White ang napabalitang nadakip dahil sa mga kasong estafa, paggamit ng mga pekeng pangalan at technical carnapping.



“Mabait naman ako, sabi ko sa kanya. Kaso parang inaabuso naman niya ang kabaitan ko.

Andami nang naniningil ng utang sa kanya. At dalawa na kami doon ni Doc Louie. Dalawa lang kami sa napakarami,” dagdag ni Diaz.



Sa isa pang Facebook post sinabi niyang, “Ayun. Nasa kulungan na sila. Titigas kasi ng mukha. Patuloy na nang-iisa ng kapwa. Nasakote din. Finally.”

May nagtanong kay Diaz kung sino ang tinutukoy niya.



Sinagot niya ito ng, “dyowa ni TR.”