Advertisers

Advertisers

Mag-amang negosyante hinolda at pinatay

0 567

Advertisers

CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang mag-amang negosyante sa pamamaril sa lalawigan ng Maguindanao.

Kinilala ang mga biktima na sina Richard Bigcas, 50; at kanyang anak na si Eric Bigcas, 30, mga residente ng Parang Maguindanao.

Nakaligtas naman si alyas Lorna na nagtago sa damuhan sa gilid ng kalsada.
Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Jibin Bongcayao, lulan ang mga biktima sa puting multicab kung saan naglalako ito ng kaldero at kutsara sa Barangay Liong Barira Maguindanao.



Bigla umanong hinarang ng tatlong mga armadong salarin ang mga biktima at nagdeklara ng hold-up.

Kinuha ng mga salarin ang P2,000 na benta at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.



Nakatakbo naman si alyas Lorna at nagtago sa damuhan sa gilid ng kalsada.

Agad namang tumakas ang mga salarin ng matiyak na patay na ang mga biktima na nagtamo ng tama ng bala sa ulo at dibdib.



Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Barira PNP sa pagnanakaw at pamamaril patay sa mga biktima.