Advertisers
NAKIKITAAN nang pagbagal ang hawahan ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) matapos na bumaba ang reproduction number nito sa 4.69, mula sa dating 6.16 noong Enero 2.
Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, ang naturang pagbaba ng reproduction rate, o yaong bilang ng mga taong maaaring ihawa ng sakit ng isang pasyente, ay indikasyon nang bahagyang pagbagal ng trend.
Ani David, magandang senyales ito ngunit nagpaalala sa mga mamamayan na dapat pa ring maging maingat at tumalima sa ipinaiiral na health at safety protocols ng pamahalaan upang hindi dapuan ng sakit.
“The reproduction number in the NCR decreased to 4.69 as of January 8, 2022. The reproduction number had been higher than 5 since December 30, 2021, when the outbreak in the NCR started,” tweet pa ni David.
“A decreasing reproduction number indicates that the trend is slowing down. One way to think of this is a decreasing growth rate – cases are still rising but a slower pace,” aniya pa.
“This is a good sign. Until then, let us stay safe everyone and follow best health practices,” saad pa ni David.
Sa kabila naman nito, sinabi ni David na wala pang kasiguruhan kung naabot na nga ng COVID-19 cases ang peak nito. (Andi Garcia)