Advertisers
HUWAG naman sanang magalit si Kris Aquino pero parang na-timing lang ang post sa Youtube channel ni presidential aspirant Ping Lacson na i-PingTV, na kasama ang name ng “queen of all media” sa mga celebrity na nabanggit sa segment na “World Association Challenge.”
Sa naturang challenge kasi, ilang pangalan ang babanggitin at magbibigay ng few words si Lacson na ikokonek tungkol sa kanila.
Pero hindi lang celebrities (local at foreign) ang puwedeng banggitin na pangalan dahil may pagkakataon din na may politicians (na local at foreign din).
At sa isang video post nga, kasamang nabanggit ang name ni Kris.
“Good luck to her,” unang sabi ni Ping tungkol kay Kris. “I wish her well.”
Dugtong pa ng senador, “She deserves to be happy.”
Hindi kataka-taka na naisin ni Ping ang ikabubuti ni Kris dahil kilalang magkaibigang-dikit sina Ping at kuya ni Kris na si dating Pangulong Noynoy Aquino.
Nahaharap ngayon sa pagsubok ang kalusugan ni Kris dahil sa sakit niyang autoimmune disease. Bukod pa doon, kaka-break din lang nila ng fiance niya na si Mel Sarmiento.
Pero kahit may pinagdadaanan, kahanga-hanga na patuloy na gumagawa ng paraan si Kris para makatulong sa mga biktima ng kalamidad at pandemya.
Maliban kay Kris, nabanggit din sa naturang “challenge” si Dolphy at ilang manlalaro tulad nina Efren Bata Reyes, Paeng Nepumuceno, Lebron James, at Michael Jordan, na sinabi ni Ping na, “My idol. I’m forever a basketball fan of Michael Jordan.” (BKC)