Advertisers

Advertisers

PSYCHALGIA

0 157

Advertisers

Ni NICK NANGIT

TINUTUKOY ng psychalgia ang sakit na emosyonal.

Bunga ito ng (1) kalungkutang dala ng paglisan ng isang minamahal o ng kabiguan dahil sa kakulangan ng kakayanan o di pagkamit ng mga nilalayon; (2) hindi mailabas na galit dala ng kaibahan sa pamamaraan o sa estado ng buhay; (3) mabigat na pag-aalala dala ng sunud-sunod na kapahamakan; at (4) matagalang kahihiyan o pag-uusig ng konsensya.

Hindi ba’t noong 2021 andaming hiwalayang naganap sa showbiz?

Sinimulan ito nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Sinundan ng pagkumpirma nina Gerald Anderson at Bea Alonzo (na naghiwalay na pala noong 2019 pa), pero kalauna’y inaming masaya na sila sa piling ng kani-kanyang Julia Barretto at Dominic Roque.

Tapos, may “as a friend” Yen Santos drama naman si Paolo Contis na iniwanan nang tuluyan ni LJ Reyes na pumunta sa America.

Nandiyan din sina Kiko Estrada at Devon Seron, at matapos naging sila naman ni Heaven Peralejo, ay naghiwalay ulit.

Sinundan pa ito nina Michelle Madrigal at Troy Woolfolk, Maggie Wilson at Victor Consunji, Wil Dasovic at Alodia Gosiengfiao.

Maging sina Binibining Pilipinas-Universe Rabiya Mateo (na nasoplang luhaan) at Beatrice Luigi Gomez (na pasok naman sa Top 5) ay nakipaghiwalay na rin sa kani-kanilang mga jowa.

Natitiyak nating naramdaman nila ang psychalgia. Pasok lahat sila sa mga retrogrades ng Pluto na nagdadala ng mga rebelasyon, Neptune na naghaharap ng katotohanan, at Uranus na naghahatid ng pagbabago.

Hindi masama ang sakit na emosyonal. Minsa’y kinakailangan pa nga ito, upang tayo ay magising sa katotohanang napababayaan na natin ang mga mas mahahalagang bagay sa ating buhay. Ipinapakita rin nito ang kahalagahan ng buhay mismo.

Kapag natutunan na natin ang aral na dulot ng sakit o hapdi, saka ito lilisan sa atin. Yun na lamang alaala ang maiiwan, upang matandaan natin na huwag nang balikan at danasin pa ang mga itong muli.

Sa pisikal na mundo, nararanasan natin ang parehong sakit na pisikal at emosyonal. Walang awit na papuri o mga kristal na isusuot ang makaaangat agad sa ating kamalayan, hangga’t hindi pa natin nararanasan ang mga sakit na iyan.

Ang aral para sa ating lahat ay ang matanggap at malagpasan lahat ng mga ito, para ang ating mga kaluluwa ay makaakyat na sa mas mataas na kalagayan.

Kumbaga, move on na!

Ngayong 2022, naka Prograde ang planetang Venus simula Pebrero 5. Ibig sabihin nito, panahon muli ng labing-labing, mga bagong relasyon, at maraming tukso. Abangan ang mga magkakatuluyan at mabubuntis.

Para sa dagdag kaalaman, mag subscribe lang at panoorin ang lahat ng vlogs at ads ng Nickstradamus Nickstradamus channel sa YouTube, lalo na ang LIVE nito tuwing Biyernes alas-11 ng gabi Manila time.

Yung gustong magpabasa ng mga tarot cards nila o kumonsulta tungkol sa mga kristals, magsulatroniko lamang sa nickstradamusnickstradamus2019@gmail.com. Light Love and Life, Namaste!

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More