Advertisers

Advertisers

Nadine pinoproblema ang pawising kilikili

0 80

Advertisers

ISA raw sa problema ni Nadine Lustre ay ang matinding pagpapawis ng kanyang kili-kili.

Aminado rin ito kaya pala lagi siyang naka-sleeveless.

Bawal nga raw ang ang color  na damit na kanyang susuutin dahil babakat at kitang-kita ang stain dito.

Dahil dumaan na ito sa botox injections sa underarms ay ubra na makapag-OOTD na ito.

Kung dati ay may alinlangan si Nadine na magsuot ng dress ay nag-aalangan ito dahil gravecious nga raw itong magpawis.

Dahil na-botox inject na ang kanyang kili-kili ay confident na ito na mag-wear ng kahit na anong dress at di na niya proproblemahin ang pagpapawis ng kanyang kili-kili.

Dalawang session naman ang gagawing botox inject sa kili kili ni Nadine para tuluyang mawala at makontrol ang labis na pagpapawis ng kanyang kili-kili.

Asahan na nga raw na maninibago ang lahat kapag nakapag-dress na ito na hindi puro sleeveless.

Thankful naman si Nadine sa doktor na gumawa sa kanya ng ganitong treatment na pinoproblema nitong pagpapawis ay di na mangyayari sa kanyang underarms.

***

AJ kung papapiliin, pagpa-sexy or action film

DIRETSO namang sinabi ni AJ Raval na gusto nito ay mag-action na lang kaysa ang ginagawa nitong pagpapa-sexy sa film.

Mas feel at tila exciting si AJ sa mala-aksyon na pelikula na kanyang gagawin at dream come true dahil may new film siyang gagawin sa Viva.

As usual ang kanyang lead açtor na gamay na niyang kasama sa film ay si Sean De Guzman.

At take note di na siya magpapakita ng flesh dito kungdi umaatikabong bakbakan naman ang kanyang gagawin.

Kahit noon pa naman ay action film na ang gusto nito bago pa man ito sumabak sa mga sexy film.

Inihayag din ng sexy actress na idol nito ang tatay niya na si Jeric Raval kaya action ang gusto nitong gawin.

Di naman siya binibigyan ng tips ng ama pero tinuturuan siya kung paano humawak ng baril sumipa at mag-flying kick.

Well, well, well…’Yun  na!

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More