Advertisers

Advertisers

Barbie at Jak, ang sekreto ng magandang relasyon

0 80

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

ISA sa masasabing mapayapa at matagumpay na pagmamahalan ng magsing-irog ay ang pagbibigay ng blessings ng mga magulang ng kapwa partido.

At heto ang dapat na panghawakan ng magnobyo, ang tiwala na binigay ng kanya-kanyang pamilya. Sa kaso nina Jak Roberto at Barbie Forteza,  masayang ipinagmalaki ni Barbie, na very much open and accepted ng kanya-kanyang pamilya ang relasyon nila ng boypren.

Maging sa tahanan nina Barbie ay tinuturing na nilang isa si Jak sa Forteza Clan, as in, very much at home ang binata at sa tuwing may family affair sina Barbie ay siguradong andun ang presencia ng kanyang boypren.

“Ang secure na namin sa isa’t isa e, so hindi na tanong kung, ‘Ano magkasama pa ba tayong magpapasko?’ Hindi na, matic na, e. Kitang-kita ko na very at home siya and very comfortable na siya around my family both with my parents and even my relatives,” pahayag ni Barbie, na isa sa bidang babae sa Kapuso series na “Mano Po Legacy: The Family Fortune.”

Inamin din ni Barbie na malaking factor kung bakit maganda ang takbo ng love affair nila ni Jak dahil tanggap ang aktor ng kanyang pamilya.

“The way we handle our relationship is very mature, practical, very chill, like super chill lang hindi na namin masyadong bini-big deal kung magkasama kami or hindi as long as tuluy-tuloy yung pag-uusap namin, yung communication namin,” dagdag pang say ni Barbie.

***

MARAMING nakapupuna na tila sisiw kay Wendell ang kanyang papel sa “Prima Donnas:Book 2” na isang bisnisman ang kanyang role.

Kering-keri ni Wendell ang pagiging isang matagumpay  na negosyante at tila hindi na siya umaakting at natural ang kanyang galawan. Sa isang panayam ay natatawa na lang si Wendell sa papuring binibigay sa kanya.

Inamin ng hunk aktor na sa totoong buhay ay sadyang isa siyang negosyante, hindi man singtagumpay na inaasahan pero maayos naman ang takbo ng kanyang negosyo outside showbiz.

Meron siyang Wendeli Meathouse business na nakararating na sa iba’t ibang panig ng bansa; at meron din siyang sariling branch ng iFuel Gasoline station. Bukod doon, meron din siyang DellScents at nakisosyo rin sa isang coffee shop.

“Actually, regarding that matter, kahit ano naman po. Kahit anong role naman po, hindi ko pa rin naman sinasarado ang pintuan ko para sa mga role. Siguro, it’s a blessing na rin na natatapat ako rito.

In a way, to help me also para mapangatawanan ko kung man po ang errands ko behind cam.

But yeah, lahat naman po ng roles, open pa rin naman ho. It’s just that siguro, nagkataon din po and I’m very proud to say and I’m very humbled to say na rin po, thankful na rin po na pinagkakatiwalaan ako ng Creative Team para mabigyan ako ng isang role na mahirap din naman pong gawin, ang maging isang CEO.

“I’m very blessed po, ’yun na lang po and nagkataon lang din po. Blessing na rin po,” say ni Wendell.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More