Advertisers

Advertisers

Enchong dedma sa P1-B demanda ni Rep. Lim

0 54

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SINALUBONG ni Enchong Dee ang pagpasok ng Bagong Taon ng pampa-good vibes.

Sa kanyang Instagram account, nagpost siya ng isang video na ipinakita niya ang kanyang galing sa pagsasayaw.

Dahil dito, ayon sa kibitzers,  tila dedma lang si Enchong sa demanda sa kanya.

Matatandaang sa pagtatapos ng 2021, tuluyan nang kinasuhan ng cyberlibel ng Prosecutors Office sa lalawigan ng Davao Occidental ang Kapamilya actor na si Enchong Dee.

Nakita kasi ng piskalya na may“probable cause” ang reklamong inihain sa kanya kaugnay ng alegasyon niya kay DUMPER Representative Claudine Diana Bautista-Lim.

Ayon sa panel of prosecutors na humahawak ng kaso, may malisya sa naging tweet ng aktor noon tungkol umano sa alegasyong ang perang ginamit sa kasal ng representante ay galing sa pondo ng party list na kanyang kinakatawan.

May mga nagtanggol naman kay Representative Claudine sa pagsasabing mula ito sa buena familia kaya afford nito na gumastos sa isang magarbong kasal.

Bagama’t deleted na ang nasabing tweet at humingi na ng dispensa si Enchong, may mga naniniwalang hindi pa rin lusot sa kaso ang actor.

Ayon sa isang ulat, 1-billion cyberlibel case ang isinampa ng kampo ng kongresista kay Enchong.

Kung mapapatunayang may sala, posibleng maisyuhan ng warrant of arrest ang actor at pagbayarin ng nasabing danyos.

Sa kaso naman nina Agot Isidro, Pokwang, at Ogie Diaz na nagkomento rin sa isyu ni Representative Claudine, walang nakikitang basehan ang prosekusyon para sampahan sila ng kaso.

Dahil sa bagong kaganapang ito, may kibitzers namang nang-uurot na posibleng maudlot ang pangarap ni Enchong na maging bilyonaryo dahil sa kinakaharap na kaso.

Matatandaang sa isang vlog, sinabi ni Enchong na isa sa life goals niya ang maging bilyonaryo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More