Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
AMINADO ang talented na bagets na si Klinton Start na napakalaking break sa kanya ang mapabilang sa seryeng The Broken Marriage Vow ng Kapamilya Network.
Tampok sa naturang serye sina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, Sue Ramirez, Zaijian Jaranilla, Jane Oineza, Joem Bascon, Bianca Manalo, Angeli Bayani, at marami pang iba.
Ito’y mula sa pamamahala nina Direk Andoy Ranay at Direk Connie Macatuno.
Masasabi ba niyang ito ang kanyang biggest break sa kanyang young career?
Tugon ni Klinton, “So far yes po, masasabi kong ito talaga ang biggest break ko dahil first time ko po makasama sa isang teleserye at ito’y from ABS-CBN pa. Plus, puro bigatin at magagaling po talaga ang casts ng serye.”
Paano siya nakapasok sa seryeng ito?
“Nag- audition po ako and thank God, na-approve po ako na makasali sa seryeng The Broken Marriage Vow,” aniya pa.
Nabanggit din niya kung ano ang role sa serye.
“Ang role ko po rito ay si Macky, na isang bully po, bale teammate po ako ni Gio (Zaijian) at lagi kaming nag-aaway,” nakangiting sambit ng tinaguriang Supremo ng Dance Floor.
May naging peg ba siya ritong artista na gumanap na isang bully sa pelikula man o serye, para mas mapaganda ang role niya rito?
“Wala naman po sir Nonie, kumbaga po… naging natural lang ako sa pag-arte po. Iyon po ang ginawa ko,” matipid na tugon pa ni Klinton.
Ayon pa kay Klinton, si Zaijian ang madalas niyang maka-eksena rito. May ibinibigay ba sa kanyang payo or tips si Zaijian sa pag-arte?
Esplika niya, “Wala po, hindi naman po kasi kami masyadong nakakapag-usap dahil kapag nasa set po kami ay naka-focus lang po kami sa work.”
Pahabol pa ni Klinton, “Ang masasabi ko lang po, sobrang bait po ni Zaijian at hindi po siya mahirap na katrabaho.”
Incidentally, congrats kay Klinton dahil cover siya ng December issue ng Aspire Magazine. Ang mismong publisher ng Aspire na si Ayen Castillo ang pumili kay Klinton.
Actually, si Klinton ang cover ng unang edition ng Aspire Magazine na mabibili sa halagang Php 1250 sa National Bookstore at 7-11. Bahagi ng kikitain nito ay mapupunta sa charitable institution na Child Haus.