Advertisers

Advertisers

BAGONG PLAYER NG ILIGAL NA SUGAL-LUPA SA SIYUDAD NI MAYORA JOY BELMONTE!

0 484

Advertisers

MAY bagong bangka na pala ng iligal na sugal lupa sa lungsod ni Mayor Joy Belmonte ng Quezon City!

Ito ay kilala sa bansag na SM as in SOL MARASIGAN.

Kakumpitensiya na si SM ng mga tradisyunal na gambling operators ng Kyusi na sina alyas TISAY at PERRY Kabayo.



Sa kabila nang umiiral na Alert Level 3 sa buong NCR, patuloy pa rin at sadyang untouchable ang pa-LOTTENG at STL cum juteng ng tatlong kupal na ito kung saan, pangalan ni Mayora JOY BELMONTE ang bitbit na panangga sa huli ng mga kapulisan.

Ito raw bagong saltang si SM ay mismong ang District Director ng QCPD na si General ANTONIO CANDIDO YARRA ang nagmimistulang protector at backer kay Mayor Joy Belmonte samantalang mga alaga naman ni Mayora Joy ang kupal na si TISAY at PERRY KABAYO.



Bukod sa mga iligal na pasugal na ito nina TISAY,PERRY KABAYO at SM ay pasugal din sina alyas JESS at CYNTHIA na alaga naman ng iba pang opisyal ng kapulisan ng QCPD.

Pati ang pangalan ni NCRPO Director, Maj. General Vic Danao ay gamit ng mga hinayupak na gambling operators na ito kung kaya largado talaga ang kanilang iligal na operasyon.



Wala na talagang pag-asa pang tumino ang ating pamayanan kung ganitong mga matataas na opisyal ng lokal na pamahalaan at kapulisan ang direktang involved sa mga katarantaduhan.

Usap-usapan sa apat na sulok ng Quezon City na ang tatlong kupal na sina SOL MARASINAGAN, TISAY at PERRY KABAYO na kumpareng buong naman umano ng Little Mayor ng KYUSI na si TADDY PALMA ang may sagot sa campaign expenditures ng reelectionist Mayor Joy Belmonte.

Ito ang ipinagmamalaki ni PERRY KABAYO at TISAY sa mga tauhan ni General Yarra.

Sa makatuwid, kapag muling nanalong alkaldo ng Kyusi itong si Mayora Joy, tuloy-tuloy na ang ligaya at paghahari nitong sina SM, TISAY at PERRY KABAYO!

Ganoon po ba ‘yun Mr. Taddy Palma sir?

“Yun po ba ang usapan Gen. Yarra sir?

Kung ganito kagarapal ang diskartehan diyan sa Kyusi, tama lamang ang mga sinasabi nitong sina Mayoralty candidate, Mike Defensor at Vice Mayoral bet, former Congressman Winnie Castelo, palitan na ang mga bulok na nanunungkulan diyan sa city hall na puro pera-pera lamang ang nasa isip at inaatupag!

Pero kung ang inyong abang lingkod ang tatanungin, mahihirapang agawin nina Defensor at Castelo ang city hall mula sa kamay ni Mayora Joy Belmonte dahil marami umano sa mga botante ng Kyusi ay medaling masilaw sa KUWARTA lalo na ngayong mga gambling lords ng siyudad ang nasa likod ng reelectionist Mayora Joy Belmonte.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com