Advertisers
MAHIGIT dalawang milyong (2M+) residente na ng Quezon City (QC) ang “fully vaccinated” o bakunado na, at dalawang milyong katao pa ang naturukan na ng “first dose”.
Ito ang iniulat ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) nitong Linggo kung saan 2,118,430 indibidwal (may mga edad at kabataan) ay mga bakunado na kabilang ang mga nabigyan ng isang bakuna na Janssen.
Ang mga nabigyan naman ng ‘first dose’ ay umabot na sa 2,151,990 katao, kabilang ang mga manggagawang sinamantala ang programa ng lokal na pamahalaan sa pagbabakuna di man sila residente ng lungsod.
Ang ‘vaccination program’ ay nakapagbakuna na rin sa 220,732 menor de edad, meron man o walang mga comorbidity.
Sa kabuuan, iniulat ng CESU na 4,752,281 ‘vaccine doses’ ang naiturok na, sa ilalim ng #QCProtekTODO Vaccination Program sa tulong na rin ng mga healthcare workers, staff at mga volunteers.
Sinabi ni CESU Head Dr. Rolando Cruz na pinalawak na rin ng lokal na pamahalaan ang ‘testing capacity’ nito sa pagbili ng 100,000 rapid antigen test kits, sa pakikipag-ugnayan sa Philippine National Red Cross upang mapalawig ang RT-PCR test, at malaman kung sino sa mga residente ang may virus.
Dagdag pa ni Dr. Cruz, ang lungsod ay may mahigit isang libo pang contact tracers na siyang nagsasagawa ng mga “community case monitoring, data collecting at encoding, validating reported cases, assisting in vaccination and monitoring the implementation of minimum public health standards.”
Inilabas ng CESU ang mga datos upang pabulaanan ang mga paratang ng mga kalaban sa pulitika ni Mayor Joy Belmonte na walang tigil sa pagsasabing walang ginagawa ang pamahalaang lungsod sa hinaharap na pandemiya na dulot ng Covid-19 virus at ang bago nitong uri na Omicron.
Kaya naman maging ang taga-pagsalita ng Mayora na si Pia Morato, ay nakapag-post na rin sa kanyang social media account ng kanyang saloobin at upang paliwangan ang publiko.
“Natural mataas ang bilang ng mga kaso ng may Covid sa Quezon City dahil marami tayong natitest na mga QCitizens. Ang mga bilang na ito ang nagpapakita na mayroon tayong komprehensibo at epektibong ginagawa para sa testing and contact tracing. If he was genuinely concerned with matters involving “kalusugan’, he would know that the current outbreak is centered in NCR, particularly in high density cities. Any comparison should be apples-to-apples, otherwise, it’s obviously the bitter fruit of politicking,” ang paliwanag ni Morato na walang ibang tinutukoy kung di si Anakalusugan Partylist Representative Mike Defensor na tumatakbo rin maging mayor ng lungsod sa darating na halalan sa Mayo.
“Instead of actually helping his constituents through the millions of pesos he receives in Congressional funds, the supposed Representative of our children’s health appears to be spending all his time and energy on misguided criticism against our LGU (Local Goverment Unit),” dagdag pa ni Morato.