Advertisers

Advertisers

Humahataw na si Leni; sira si BBM sa ‘debate’

0 466

Advertisers

OVER 100 days nalang eleksyon na. At habang papalapit ang araw ng paghukom sa presidentiables ay pataas nang pataas ang rating ni Vice President Leni Robredo, habang ang kasalukuyang nakakaangat sa surveys ay pababa nang pababa…

Oo! Ang early leads ni dating Senador Bongbong Marcos ay kinakain ng kanyang mga katunggali na sina VP Leni, Manila Mayor Isko Moreno, Senador Ping Lacson at Sen. Manny Pacquiao.

Sa mga latest survey sa online, mainstream media at mga unibersidad ay si VP Leni na ang nakalalamang.



Sa survey sa Twitter, kungsaan ‘di obra ang trolls, landslide ang panalo ni VP Leni, gayundin sa pa-survey ng mga kilalang pahayagan tulad ng Manila Bulletin, at sa mga unibersidad.

Sa walong malalaking unibersidad sa bansa, halos one-on-one nalang sina VP Leni at BBM. Pero landslide si VP Leni na lumalamang ng higit 50 percent laban kay BBM. Ang ibang presidential aspirants ay masyadong malayo sa kanilang dalawa.



Sabi nga, kung ngayon gagawin ang halalan, malamang si VP Leni na ang bagong pangulo ng bansa, pagkatapos ng termino ni Pangulong Rody Duterte.

Inaasahan pang babagsak ang rating ni BBM matapos niyang hindi siputin ang ‘Debate’ ng GMA-7 hosted by multi-awarded broadcast journalist Jessica Sojo kamakailan.



Ang rason ni BBM sa hindi pagsipot sa Debate ay biased or anti-BBM daw si Jessica Sojo.

Ang palusot na ito ng kampo ni BBM ay nag-trending sa social media. Puros negative ang reaksyon ng netizens.

Sabi ng netizens, biased man o hindi si Jessica Sojo sa isang kandidato ay dapat sumipot si BBM, ipakita niyang sportsman siya at karapat-dapat maging lider ng bansa.

Actually, ang mga tinatanong ni Jessica sa isang kandidato ay pare-pareho lang. Kaya hindi tamang sabihin na may pinapaboran siyang isang kandidato.

Sa isang virtual preliminary hearing ng Comelec 1st Division sa petition laban sa kanyang kandidatura ay hindi rin nag-participate si BBM dahil namamalat daw ang boses nito matapos ma-expose sa isang Covid-19 positive. Sinagot naman siya ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na hindi naman nakakahawa ang virus sa Zoom. Oo nga! Hehehe…

Nag-trending ang palusot na ito ni BBM kay Comm. Guanzon nang mabuking na nagpa-interview ito sa dalawang radio stations bago ang inisnab niyang prelim hearing.

Si BBM ay nahaharap pa sa apat na petitions laban sa kanyang kandidatura, isa rito ay ang conviction sa hindi niya pagbabayad ng tax na nasa sala ng 1st Division ng Comelec kungsaan bahagi si Guanzon.

Sa pitong petitions laban kay BBM, tatlo na rito ang nabasura sa sala ng 2nd Division.

Posibleng bago magsimula ang kampanya ay ilalabas ng Comlec 1st Division ang desisyon sa nalalabing petitions laban kay BBM. Abangan!

***

TARGET ng Comelec na makapag-print ng 67,442,714 balota na gagamitin sa eleksyon sa Mayo 9.

That means ito ang bilang ng registered voters na pipili sa kung sino ang sunod na maging pangulo ng bansa para sa taon 2022 – 2028.

Bale 10 ang opisyal na kandidato sa pagka-pangulo, 9 vice presidents, 64 senators, at 177 partylist seats. Go!