Advertisers
Ang LGSF ay Local Government Support Fund, na pondong inilalaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa mga local na pamahalaan lalo na yaong mga malalayo, para nagamit nila sa iba’t ibang proyekto na kailangan ng kanilang lugar.
May ulat nga akong natisod na 80% o’ walumpung posiyento ng mga tinatawag na ‘targeted (LGSF) projects’ mula 2021 hanggang 2025 ay nakumpleto na.
Ang mga ito raw ay namomonitor at tinutukan ng Department of the Interior and Local Government. At ang sabi ng ahensiya, P57 billion pa, ang nairelease ni PBBM para sa LGSF ngayong 2026.
Sa Davao Region (DILG-XI), sabi ni Engineer Henry Villanueva,Project Management Development Unit ng DILG-XI ang mga projects para sa 2026 ay nakakasa na. Mayroon din aniya silang LGSF-SBDP (Support to Barangay Development Program).
Ang mga ito raw ay gaya ng farm-to-market roads, water systems, rural electrification, health stations at mgamulti-purpose buildings.
Ang ibang proyekto na nakikinabang din sa LGSF ay mga flood control, water systems, bridges, and roads. At sabi ni Villanueva, ang mga projects bantay sarado naman daw nila ang mga proyekto nagmula sa pagbaba ng pondo at paggawa sa mga proyekto.
Bakit ko ibabahagi sa Inyo ang kwentong ito tungkol sa LGSF? Kasi, napansin ko dito, di gaya ng mga naiimbestigahang mga proyekto sa flood control na lang halimbawa, na ang pondo at nanggagaling sa ahensiya ng pamahalaan gaya ng DPWH, sino ang taga-bantay?
Kung gagayahin lang sa pag-iimplementa ng LGSF ang mga proyekto ng pamahalaan, malamang walang nakukurakot na pera ng bayan.
Kasi naman, tingnan niyo ha, ang mga proyekto na idinadaing o’ hiningi ng mga mismong residente ng lugar sa kanilang lokal liders o’ pamahalaan, ay ipinararating naman sa DILG, papunta kay PBBM. Pagbaba naman ng pondo, titiyakin ng DILG na talagang lapag ito sa lokal na pamahalaan na humingi ng pangangailangan nito para sa partikular na proyekto.
Natatapos ang proyekto ng maayos at natugunang tiyak ang pangangailangan ng mga mamamayan sa lokal na pamahalaan na humingi kay PBBM ng LGSF.
Napakasimple lang pala, wala pang nanakaw na pondo.